Miyerkules, Enero 22, 2014

KALIGIRAN NG FLORANTE AT LAURA



FLORANTE AT LAURA
·         Pagsasanib ng tula at kasaysayan ng Pilipinas sa pamamahala ng Kastila
·         Tauhan at lugar- kuha sa ibang bansa ngunit ang kilos, gawi at pangyayari ay himig Pilipino
·         isinulat ni Balagtas habang siya ay nasa piitan mula sa kanyang mga karanasan sa kalupitan ng mga Kastila at pagkabigo ng kanyang pag ibig kay Celia.
·         Nalimbag sa mga mumurahing klase ng papel (papel de arroz) - yari sa palay
·         Pinagbibili tuwing may misa at mga kapistahan sa halagang 10 centavo bawat isa

Plorar – Pinaghanguan ng pangalan ni Florante.

AWIT – 12 pantig
KORIDO – dulang pangromansa na may 8 pantig
Nagtataglay ng mga diwang masasalamin umano sa lipunan

TULANG PASALAYSAY – tig 4 na taludtod, lalabindalawahin
Binubuo ng 399 saknong

APAT NA HIMAGSIK

a.       MALING PANANAMPALATAYA
b.       MASAMANG PAMAHALAAN
c.        MALING KAUGALIAN
d.       MALING LAKAD NG PANITIKAN

HIMAGSIK LABAN SA MALUPIT NA PAMAHALAAN

-          Mailigaw ang mambabasa at maligtas sa pang-uusig
      Reynong Albanya, mapanglaw na gubat
      ngalan ng tauhan – Kristiyanong Kastila
      at Arabe
-          Kunwari’y pang-aliw ngunit patuligsa at suwail
      kinawiwilihan ng tao – awit at korido , pinapayagan ng Censura- labanan ng
      Kristiyano at Moro, binyagan at di  binyagan

HIMAGSIK LABAN SA MALING PANANAMPALATAYA

Pamahalaan at Simbahan – iisa sa turing at sa kapangyarihan, naghihidwaan, karaniwan nakapangyayari at nagwawagi ang simbahan
Censura – aklat, pahayagan, babasahin tatak ng gobierno civil o gobierno  eclesiastico
Moro – kasingkahulugan ng taksil o sukab; kasuklam-suklam
HIMAGSIK – Kristiyanong tauhan laban sa Kristiyanong tauhan; Morong tauhan – tagapagligtas ng Kristiyanong tauhan
Iglesya Katolika Apostolika Romana – tanging dapat sampalatayanang relihiyon
Paganismo, idolatria – Bathala pinalitan ng Diyos na Maykapal
HIMAGSIK – pamagat, pangyayari ay hinango sa Mitolohiya ng Griyego na nagtataglay ng diwa, kulay at alamat ng paganismo at idolatria
Paunang salita (‘dedicatoria’)- karaniwang inaalay sa santo o Mahal na Birhen
HIMAGSIK – inialay kay Celia – naniniwalang tunay na pinagkunan ng inspirasyon

HIMAGSIK LABAN SA MALING KAUGALIAN

Maling ugali – naniniwalang kasiraang puri ng lahi
HIMAGSIK – tinuligsa ngunit tinapatan ng panlunas na aral at halimbawa

HIMAGSIK LABAN SA MALING LAKAD NG PANITIKAN

Balagtas – agwat sa pagtula at pananagalog sa kalahatan ng manunula ay napakalayo
HIMAGSIK – ginawang tunay na obra maestra ang akda, tulang nagtataglay ng wastong sukat, tugma, talinhaga at kariktan, malalim at angkop na Tagalog

MGA TAGPUAN

Albanya (Albania)
®     Sinakop nina:
·         Aladin
·         Miramolin
·         Konde Adolfo
®     Dito tinulungan ni Aladin si Florante (sa gubat sa labas ng Epiro, katabi ng Ilog Kosito)
®     Tinalo ni Menandro ang hukbo ni Adolfo
®     Ipinanganak at nagkakilala sina Florante at Laura
®     Dito rin ikinasal sina Florante, Laura, Aladin at Flerida
®     Iniligtas si Florante ni Menalipo mula sa isang buwitre
®     Pinatay ni Adolfo sina Linceo at Briceo

Atenas
®     Pinagtuturuan ng mga pantas
®     Ditto ipinadala si Florante upang mag-aral noong siya ay 11 na taong gulang
®     Dito nag-aral sina Florante, Menandro at Adolfo
®     Nagtuturo ditto si Antenor
®     Ditto nabalitaan ni Florante ang pagkamatay ni Prinsesa Floresca
·         Sa unang liham, ipinaalam ni Duke Briceo na pumanaw na si Floresca
·         Sa ikalawang liham, ipinababalik na niya si Florante sa Albanya
®     Natapos ni Florante ang pilosopiya, astronomiya at matematika
®     Dito naganap ang dulaan ng Edipo kung saan tinangkang patayin ni Adolfo si Florante ngunit nailigtas si Florante ni Menandro
·         Sa dulaan ng Edipo, si FLorante ay gumanap na Etyokles at si Adolfo naman ay si Polinese; si Menandro ay si Reyna Yokasta

Krotona
®     Ginanap ang duelo nina Florante at Osmalik (tumagal ng 5 oras)
®     Pinagmulan ng mga magulang ni Prinsesa Floresca
®     Sinakop ng mga Moro
®     Nagkita sina Florante at ang kanyang lolo
®     Nanatili si Florante dito ng 5 buwan bago siya bumalik sa Albanya


Persya
®     Bayan ng mga Moro
®     Pinamunuan ni Sultan Ali-Adab
®     Dito pinaalpas ni Sultan Ali-Adab si Aladin
®     Dito nagkakilala sina Aladin at Flerida
®     Dito namuno sina Aladin at Flerida sa dulo ng kwento

MGA TAUHAN
Florante
-          anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca
-          inilarawang tulad ni Adonis at ang buhok ay kulay ginto
-          galing Albanya
-          isang Kristiyano
-          nagduda sa pag-ibig ni Laura
-          nag-aral sa Atenas sa ilalim ni Antenor
-          matalik na kaibigan ni Menandro
-          naging kaaway ni Adolfo
-          matalino at matapang
-          magaling sa pakikipaglaban

Laura
-          nag-iisang anak ni Haring Linceo
-          lumaki ng walang ina
-          mahinhin
-          mula Albanya
-          kasintahan ni Florante

Aladin
-          anak ni Sultan Ali-Adab
-           mula sa Persya
-          kasintahan ni Flerida
-          Moro, ngunit naging Kristiyano sa katapusan ng kwento
-          Ang sumagip kay Florante sa gubat at sumakop sa Albanya

Flerida
-           mula sa Persya
-          Moro, ngunit naging Kristiyano sa katapusan ng kwento
-          lumaki ng walang mga magulang
-          matapang at palaban
-           kasintahan ni Aladin

Konde Adolfo
-          Anak ni Konde Sileno
-          2 taon ang tanda kay Florante
-          Nakilala si Florante sa Atenas
-          Sakim at mainggitin; mapaglinlang; taksil
-          Tinangkang patayin si Florante sa dulaan ng Edipo
-          Pinugutan ng ulo sina Briceo at Linceo
-          Tinangkang gahasain si Laura

Hen. Osmalik
-          Isang Moro
-          Tinangkang sakupin ang Krotona s autos ni Aladin
-          Ikalawang magaling na heneral pagkatapos ni Aladin
-          5 oras na kinalaban si Florante at namatay (ang unang tagumpay ni Florante)

Miramolin
-          Heneral mula sa Turkiya
-          Tinangkang sakupin ang Albanya
-          Natalo ni Florante

Sultan Ali-Adab
-          Taksil na ama ni Aladin
-          Sultan ng Persya
-          May gusto kay Flerida

Menandro
-          Matalik na kaibigan ni Florante na taga Atenas
-          Ipinalaya ang Albany mula sa kamay ni Konde Adolfo
-          Iniligtas si Florante mula sa masasamang balak ni Adolfo
-          Pamangkin ni Antenor
-          Sumama kay Florante pabalik ng Albanya

Antenor
-          Mula sa lahi ni Pitaco
-          Isa sa mga pantas ng Gresya
-          Ang ikalawang ama ni Florante

Linceo
-          Hari ng Albanya
-          Ama ni Laura

Briceo
-          Isang duke
-          Pinakamayamang tao sa Albanya
-          Ama ni Florante
-          Asawa ni Prinsesa Floresca

Floresca
-          Ina ni Florante
-          Taga-Krotona
-          Prinsesa ng Krotona
-          Namatay dahil sa sakit

Sileno
-          Ama ni Adolfo

Menalipo
-          Pinsan ni Florante na taga-Epiro
-          sinalba ang buhay ni Florante ng siya ay dapat tutuklawin ng isang buwitre nung sila ay mga bata pa

credits: Wikepdia, asset.soup.io/asset

TALAMBUHAY NI FRANCISCO BALAGTAS BALTAZAR




I. KABATAAN

Pangalan: Francisco Balagtas (Kiko)
Sagisag: Francisco Baltazar
Tinawag na: Ama ng Panulaang Tagalog, Sisne ng Panginay
Ipinanganak sa:  Panginay, Bigaa (ngayon ay Balagtas), Bulacan
Ipinanganak: Abril 2, 1788
Namatay: Pebrero 20, 1862 sa edad na 74 dahil a sakit na pulmonya at katandaan
Binyag: Abril 30, 1788
Magulang: Juan Balagtas (ama) at Juana dela Cruz (ina)
Mga Kapatid: Felipe, Concha, Nicolasa

Sa murang edad ay naririnig na ni Kiko ang mga usapan ng mga matatanda—ito ang dahilan ng malalim niyang pag-iisip.

II. EDUKASYON:
Nag aral sa kumbento ng KATON, KARTILYA, MISTERYO at RELIHIYON.
→ Pumasok siya bilang isang utusan sa gulang na 11 sa isang babaing nagngangalang Trinidad sa Tundo, Maynila
Nakatapos siya ng Gramatica Castellana, Gramatica Latina, Geografia at Fisica at Doctrina Christiana
→ Nakapag-aral rin siya ng Humanidades (Humanities), Teolohiya (Theology) at Pilosopiya (Philosophy)—naging guro niya si Padre Mariano Pilapil
→ Una siyang nag-aral sa Kolehiyo de San Jose at matapos noon ay pumasok sa Kolehiyo de San Juan de Letran at sa edad na 24 ay natapos niya ang kursong Canones (batas ng pananampalataya)

III. MGA MAHAL SA BUHAY

A.      Mga Babaeng Naugnay
a.       Magdalena Ana Ramos (Tondo)
b.       Biyanang
c.        Lucena
d.       Maria Asuncion Rivera (MAR) (Mangaawit, tumutugtog ng alpa, “Celia” hango sa pangalan ni Sta, Cecilia, inibig ni Balagtas noong siya ay 48 taon habang si Celia naman ay 25 taon pa lamang), nakilala niya sa Pandacan at saksi ang Ilog Beata sa kanilang pag-iibigan.
·         Si Mariano Capule ang mayamang karibal ni Balagtas kay M.A.R. Gumawa ito ng usapin (paninirang puri kay M.A.R.) at nagbayad ng tao upang tumestigo at maipakulong si Balagtas.
B.      Asawa
      Juana Tiambeng (Orion Bataan) – nakilala niya pagkatapos lumaya noong 1838 at pinakasalan niya noong Hulyo 22, 1842 noong siya ay 54 taon gulang.

C.      Mga Anak na Nabuhay (4)
a.       Ceferino
b.       Isabel
c.        Silvestra
d.       Victor
D.      Mga anak  na Namatay (7)
a.       Marcelo
b.       Juan
c.        Miguel
d.       Josefa
e.       Julia
f.         Maria
g.       Marcelina

IV. MGA AKDA

a.       Mahomet at Constanza (1841)
b.       Almanzor y Rosalina (1841) Orosman at Zafira (1860) (komedya na may apat na bahagi)
c.        Don Nuño at Zelinda (komedya na may tatlong bahagi)
d.       La India Elegante y el Negrito Amante: sayneteng may isang yugto
e.       Hatol Hari Kaya (kundiman)
f.         Parangal sa Isang Binibining Ikakasal (tula)
g.       Paalam sa Iyo (awit) Rodolfo at Rosamunda (komedya)
h.       Pagpupuri kay Isabel II, Reyna sa España (tula)
i.         Auredato y Astrone (komedya)
j.         Bayaseto at Dorlisca (komedya 1857)
k.        Nudo Gordiano (komedya) Abdol y Miserena (1859) (komedya) Clara Belmori (komedya)
l.         Ibong Adarna
m.      Florante at Laura
·         30 taon matapos ang kanyang pagkamatay ay nasunog ang kanyang bahay kasama ng kanyang mga akda maliban sa Florante at Laura

V. HANAPBUHAY/TUNGKULIN

a.       HUKOM PAMAYAPA – Udyong, Bataan (1838)
b.       JUES DE RESIDENCIA – Balanga, Bataan (1840)
c.        TAGASULAT (1856)
d.       HANAPBUHAY/TUNGKULIN
e.       TAGAPAGSALIN SA HUKUMAN (1857)
f.         TINYENTE MAYOR
g.       HUKOM PANAKAHAN(Juez de Sementera)